Saturday, June 3, 2017

Lupang Hinirang, Panatang Makabayan at Panunumpa sa Watawat ng Pilipinas Posters

Show one's love for the country through the singing of the Philippine National Anthem, reciting the Pledge of Allegiance to the Flag and the Patriot's Oath. Check out these posters of Lupang Hinirang, Panatang Makabayan at Panunumpa sa Watawat ng Pilipinas. 

Lupang Hinirang

Bayang magiliw
Perlas ng Silanganan,
Alab ng puso,
Sa dibdib mo’y buhay.
Lupang Hinirang,
Duyan ka ng magiting,
Sa manlulupig,
Di ka pasisiil.
Sa dagat at bundok,
Sa simoy at sa langit mong bughaw,
May dilag ang tula
At awit sa paglayang minamahal. 
Ang kislap ng watawat mo’y
Tagumpay na nagniningning,
Ang bituin at araw niya
Kailan pa ma’y di magdidilim.
Lupa ng araw, ng luwalhati’t pagsinta,
Buhay ay langit sa piling mo;
Aming ligaya, na pag may mang-aapi
Ang mamatay nang dahil sa iyo


Panatang Makabayan

Iniibig ko ang Pilipinas
aking lupang sinilangan,
tahanan ng aking lahi;
kinukupkop ako at tinutulungan
upang maging malakas, masipag at marangal.
Dahil mahal ko ang Pilipinas,
diringgin ko ang payo
ng aking mga magulang,
susundin ko ang tuntunin ng paaralan,
tutuparin ko ang tungkulin
ng mamamayang makabayan: 
naglilingkod, nag-aaral at nagdarasal
nang buong katapatan.
Iaalay ko ang aking buhay,
pangarap, pagsisikap
sa bansang Pilipinas.

Panunumpa sa Watawat ng Pilipinas

Ako ay Pilipino
Buong katapatang nanunumpa
Sa watawat ng Pilipinas
At sa bansang kanyang sinasagisag
Na may dangal, katarungan at kalayaan
Na pinakikilos ng sambayanang
Maka-Diyos
Maka-tao
Makakalikasan at
Makabansa.


Click image to see full size before saving. 


Teacher Fun Files is a website that provides FREE educational resources to help learners, parents and teachers all around the world in learning and teaching pre-school and grade school concepts. Posters, flashcards, English reading materials and worksheets are available and great for blended learning (online class, classroom-based and homeschooling). However, these materials are NOT for COMMERCIAL USE. Images are either made or under creative commons. If any of the images are offensive or under any copyright, message us to get it removed. Thank you for visiting Teacher Fun Files.

7 comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...