Ang Pangngalan ay ngalan ng tao, bagay, hayop, lugar at pangngyayari. Ito ay may dalawang uri. Ang Pangngalang Pambalana at Pangngalang Pantangi.
Ang Pangngalang Pambalana ay tumutukoy sa di-tiyak na ngalan ng tao, bagay, hayop, lugar at pangyayari. Ito ay nagsisimula sa maliit na letra. Halimbawa: bag, sapatos, sabon, shampoo, bulkan at iba pa.
Ang Pangngalang Pantangi ay tumutukoy sa tiyak na ngalan ng tao, bagay, hayop, lugar at pangyayari. Ito ay nagsisimula sa malaking letra. Halimbawa: Jansport, Adidas, Safeguard, Palmolive, Bulkang Mayon at iba pa.
Sagutin ang sumusunod na pagsasanay ukol sa pangnngalang pambalana at pantangi.
See FREE Printable and PDF COPY: CLICK HERE.
No comments:
Post a Comment